Posts

HALIMBAWA NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA SULATIN

Image
Ano ang Teknikal-Bokasyonal na sulatin? -Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis, episyente, at produktibo Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat. -Ito ay higit na naglalaman ng mga impormasyon. -Layunin nitong magpaliwanag ng ibat-ibang paksa sa mga mambabasa. -Naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. -Gumagamit n deskripsiyon ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba, analohi